SHERPA climber Kami Rita
SMNI NEWS
GUMAWA ng bagong record ang Sherpa climber na si Kami Rita na matagumpay na nakaakyat sa kaniyang ika-23 pagsubok na akyatin ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.
Tinapos akyatin ni Rita ang Mount Everest na may taas na 8,850 meters kasama ang kaniyang dalawang kasama.
Ani Rita, bukod sa pagiging Sherpa guide ay layunin din nitong gumawa ng mga bagong record para sa kaniyang bansang Nepal.
Ayon naman sa lumabas na report mula sa Nepalese government official, ligtas ang buong team ni Rita na naka-akyat sa highest peak.
Matatandaan namang unang nakaakyat si Rita sa Mount Everest noong 1994.