TERRIJANE BUMANLAG
NAKAPAGTATAKA kung bakit tinatawag na alternative medicine ang mga herbal na gamot gayong mabisa itong ginagamit na pang lunas sa mga sakit, ilang libong taon na ang nakararaan, habang ang mga chemical o synthetic medicine ay nagsimulang gamitin ito mga 100 taon lamang ang nakalipas.
Ayon kay Hipocrates, tinaguriang Ama ng Medisina, “Let thy food be thy medicine and medicine be thy food. Taglay ng Inang Kalikasan ang lahat ng mga gamot sa mga karamdaman at matatagpuan lamang ito sa kapaligiran o sa iyong bakuran.
Hindi na rin mahirap humanap ng ligtas at akmang herbal medicine na nasa tamang dosage dahil marami nang mapagkakatiwalaang gumagawa ng mga herbal capsules na nakalagay sa sealed bottles na may malinaw na production date at expiration date. Malayo na ang narating ng herbal medicine at naalis na ang peligro ng pag-inom ng mga dahon na nilaga at iniinom nang walang tiyak na dosage.
Kung susuriin mabuti, mas mahaba pa ang life span ng sinaunang mga tao na umaabot ang edad sa isang daan taon o higit pa. Ngunit sa panahon na mas marami pa rin ang tumatangkilik ng mga synthetic na mga gamot, lalo namang bumababa ang life span nila kaya bibihira lamang ang mga taong aabot sa edad na isang daan.
Mas tinatangkilik na
Sa kabila nito, lumalawak na ang kaalaman sa herbal medicine ngayon at nadaragdagan na ang mga gumagamit nito, salamat sa impormasyong dala ng makabagong teknolohiya pati na rin ng TV, internet at cellphones.
Sa isang banda naman, ang mga kompanya ng synthetic na gamot ay gumagamit ng mga kilalang tao o artista para maging endorser ng kanilang produkto kaya’t naengganyo pa rin ang marami na bilhin ito.
Ang mainam lamang sa ngayon, mayroon ng option para makapamili kung anong medisina ang gagamitin. Mahalaga lamang na regular na isagawa ang mga pangunahing laboratory tests at kumunsulta sa doctor kung kinakailangan. Marami na ring medical practitioners ang naniniwala sa bisa ng herbal medicines.
Top 10 bansang may mataas na life span
Narito ang 10 bansa na may mataas na average life span:
10 — Canada, 82 years
9 — Italy, 82.2
8 — Australia, 82.23
7 — Hong Kong, 82.74
6 — Andorra, 82.78
5 — San Marino, 83.29
4 — Macau, 84.53
3 — Singapore, 84.95
2 — Japan, 85
1 — Monaco, 89.7
Ang Pilipinas ay may average life expectancy na 69 years. Naitala naman na may pinakamababang life expectancy ang South Africa na hindi aabot sa 50 yrs.
Sa kabila nito, nasa Pilipinas ngayon ang pinakamatandang tao na 121 taon nang nabubuhay sa mundo — si Lola Francisca Susano mula sa Oringao, Kabankalan, Negros Occidental. Nasa Guinness book of records o sa Gerontology Research Group ang pangalan niya bilang “World’s Oldest Person.”
Ano ang sikreto ni lola Francisca na ipinanganak noong Setyembre 11, 1897 at kasalukuyan naninirahan sa Palawan Puerto Princesa? Marami ng siyang mga apo sa tuhod at talampakan. Nakakalakad pa siya at malinaw pa ang pandinig at nakakatugtog pa ng kanyang harmonica. Wala raw siyang ibang sekreto kundi ang pagkain niya ng paboritong sariwang gulay at halaman mula sa kanyang mga tanim, hindi pag inom ng alak at positibong pananaw sa buhay ang dahilan ng mahaba niyang pananatili sa mundo.
Mga halaman na maraming taglay na benipisyo sa katawan
Nakalagay ito sa capsula na maaring kainin o inumin, bilang mga herbal medicine na maaring mabili at aprubado ng Department of Trade and Industry o DTI.
Ilan sa mga ito ang malunggay capsule-7X, ang vitamin C sa orange, 10x ang vitamin A sa carrots, 17x ang calcium sa gatas, 15x ang potassium sa saging , 9x ang protein sa yogurt, 25x ang iron sa spinach. Tinagurian namang miracle tree ang malunggay o moringa, antioxidant, anti-inflammatory, pang normalize ng blood sugar, mainam para sa detoxification, nagre-reduce ng wrinkles, appetite suppressant, increased mental clarity, stimulates hair growth, vision improvement, improves digestion, anti-cholesterol, UTI, anti –fungal, anti-tumor, increase breastmilk at nagpapalakas sa ating immune system.
Sambong kilala sa tawag na Blumea balsamifera ito ay mabisang panlunas sa mga sakit. Maaring inumin sa pamamagitan ng paglaga ng dahon nito o pag inum ng sambong capsule. Mabisa itong gamot sa kidney stones, sakit sa tiyan, wounds, insecticide, diarrhea, ubo, sipon, sinusitis, dysmenorrhea, ulcers, bronchitis, asthma, lumbago, toothache, rheumatism, hypertension, lagnat, manas, sakit ng ulo, sakit sa likod, sakit sa kasu-kasuan, lunas sa kagat ng alakdan at ahas, panlaban sa kanser dahil sa taglay nitong methanolic extract na pumapatay sa mga cancer cells. Hindi naman ito nirerekomendang inumin ng nasa edad na nagdadalang tao dahil sa anti-fertility effect na taglay nito.
Serpentina, maraming benipesyo ang makukuha sa napakapait na halamang ito. Pwedeng pakuluan o ibabad sa mainit na tubig ang mga dahon nito. Pero kung hindi kaya ang pait maari din namang uminum ng serpentina capsule. Pangunahing lunas ito sa mga diabetic dahil mabisa ito at mabilis na nakapagpababa ng blood sugar, high blood pressure, analgesic o pain killer, canceolytic o cancer killer, cardio protective o proteksyon sa heart muscles, depurative o panglinis sa dugo, vermicidal o pamatay ng bulate sa tiyan, antibiotic, antibacterial, antimalaria, stroke, insulin, lung infection, problema sa atay, mental disorders at gamot sa baradong ugat, kidney, colds, fever at sore throat. Hindi rin ito pwede sa buntis.