Kasama ng pangulo sa pagbisita sa labing limang sugatan ang matalik nitong kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy maging sina Senator-elect Bong Go, Defense Chief Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Año.
DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang sundalo sa Sulu na nakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf Group.
Kasama ng pangulo sa pagbisita sa labing limang sugatan sundalo sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo kamakailan ang matalik nitong kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy maging sina Senator-elect Bong Go, Defense Chief Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Año.
Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang matalik na kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa isinagawang pagparangal sa mga sugatang sundalo sa pakipagbakbakan sa Sulu.
Pinangunahan ni Pang. Duterte ang paggawad ng medalya sa military personnel at Donning of Ranks kay Brigadier General Divino Rey Pabayo ng Joint Task Force-Sulu at Brigadier General Andres Centino ng Armed Forces of the Philippines Operations.
Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga military personnel.
Ginawaran din ng presidente ng Order of Lapu-Lapu with Rank of Kampilan ang 11 sundalong nasugatan noong May 31 encounter sa ASG sa Patikul, Sulu.
Pitong sundalo naman ang ginawaran ng Gold Cross Medal habang limang enlisted personnel ang tumanggap ng food packs mula sa pangulo.
Ang pribadong pagbisita ng punong ehekutibo sa Sulu ay hindi inanunsyo sa media.