PUMIRMA na sa isang sikat na New York based modeling agency si Miss International Philippines 2017 Mariel de Leon.
Sa social media, proud at masayang inanunsyo ni Mariel ang kaniyang panibagong modeling success matapos pumirma ng kontrata sa NYC’s True Model Management.
Aniya, finally ay matutupad na niya ang kaniyang pangarap na mag-pursue ng modeling career sa Amerika.
Labis din ang pasasalamat ng beauty queen turned model sa kaniyang bagong agency sa tiwala at nangakong hindi niya ito bibiguin.
Sa kabila nito ay nilinaw ni Mariel na siya ay mayroon pa ring existing contract sa ilalim ng LVD Management sa ilang work commitment sa Pilipinas.