Matapos mag-enjoy at magbakasyon, eto ang ilang tips upang makapag-detox mula ulo hanggang paa. (Larawan mula sa Frozen Garden)
Ni: Jonnalyn Cortez
Hindi mapipigilan ang tag’araw at lahat ng kaakibat nito. Kabi-kabila ang outings kasama ang kaibigan, kapamilya, katrabaho, o minamahal. Andiyan ang swimming sa beach, bakasyon sa probinsya, o outing sa mga resort o waterparks.
Syempre pa, kasama na ang food trip at pag-inom upang makumpleto ang bonding.
Narito ang limang sangkap na makakatulong sa pag detox ng iyong katawan, isipan, pati na rin pag rejuvenate ng skin matapos ang ilang araw ng kasiyahan at exposure sa harsh elements.
Lavender. Nakakatulong ang lavender na i-relax ang isip at pahimbingin ang tulog. Kaya rin nitong resolbahin ang problema sa digestive system at sakit ng ulo. Meron din itong antioxidants upang labanan ang signs of skin aging.
Luya. Ang luya ang isa sa mga pinakamahalagang herb na available halos kahit na saan. Bukod sa maraming health benefits mula sa luya, lalo na sa luyang dilaw o turmeric, higit sa lahat, ang lavender ay mahalaga sa pag improve ng kaisipan at memorya. Tumutulong ito sa paglunas ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng pagsusuka at sakit sa lalamunan. Pagdating naman sa kutis, kaya nitong i-rejuvenate at pantayin ang kulay ng balat.
Green tea. Maraming magandang dulot ang green tea sa katawan. Kayang i-enhance ang memorya at pag-iisip, pabutihin ang kalusugan at metabolism; pakinisin ang balat, bawasan ang paglalangis ng mukha, pamumula at pagtubo ng taghiyawat.
Activated charcoal. Kayang labanan ng activated charcoal ang “brain fog” o ang problema sa memorya at i-promote ang mental clarity. Maaari nitong tanggalan ng toxins ang katawan at tanggalin ang bloated na pakiramdam at gas sa tiyan. Gamit ito, maaaring linisin ang pores upang matanggal ang dumi at magkaroon ng firm at refined na kutis.
Chamomile. Nakakatulong na pantanggal ng stress ang chamomile. Katulad ng lavender, kaya nitong pahimbingin ang pagtulog. Anti-inflammatory din ang halaman na ito na kayang bawasan ang cramps at pabilisin ang digestion. Pwede ring gamiting pantanggal ng taghiyawat at peklat.