SMNI NEWS
Bubuksan ngayong taon ang siyam na mga bagong ruta ng roll on-roll off vessel o RoRo sa ibat-ibang panig ng bansa.
Ito ang inihayag ni outgoing house speaker Gloria Macapagal Arroyo matapos ang kaniyang pagbisita sa dalawang pier sa Cebu na aniyay bunga ng mga oversight functions ng kamara sa ilalim ng kaniyang liderato.
Ikinagalak naman ni Arroyo na sa panahon niya bilang lider ng kamara ay naibalik ang dating sigla ng RoRo Industry na umanoy nawala sa panahon ng Aquino administration.
Ayon sa Maritime Industry Authority o MARINA, kabuuang 19 na mga bagong ruta ng RoRo ang naipatayo ngayong taon, habang may labinlima pang ruta ang naghihintay ng approval para sa route service.
Sa ngayon ay nasa 140 RoRo routes ang gumagana sa buong Pilipinas na nagbibigay serbisyo sa milyon-milyong pasahero at cargo handlers.