Alex Gonzaga kasama si re-elected Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
SMNI NEWS
PERSONAL na humingi ng paumanhin ang tv host/vlogger na si Alex Gonzaga kay re-elected Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Kaugnay ito sa naging patutsada ng 31 year old commedianne laban kay Olivarez habang nasa isang political campaign sa Parañaque kamakailan.
Matatandaan na tinawag ni Alex si Mayor Olivarez na “may pagkamadugas” sa isang campaign rally ng kaniyang ine-endorsong partylist.
Dahil dito, inulan ng batikos ang kapatid ng celebrity din na si Toni Gonzaga.
Ayon naman sa alkalde, muli nitong iginiit na hindi niya dinamdam ang nasabing hirit ni Alex at na-appreciate raw nito ang personal nilang pagkikita.