SMNI NEWS
BALIK Pilipinas ngayong taon ang sikat na American rock band na The Maine para sa isa na namang concert.
Muling makikipagrak-rakan ang banda sa mga Pinoy fans sa kanilang The Maine live in Manila 2019 concert sa September 14 sa New frontier theater sa Quezon City.
Bagaman ikalawang solo concert palang ito ng The Maine sa Pilipinas mula noong 2012 ay makailang beses na ring nagtanghal ang banda sa Pilipinas tulad noong 2017 Bazooka Rock Festival, 2014 88123 tour at ang kanilang 2015 show kasama ang All Time Low.
Ilan sa pinasikat na kanta ng The Maine ay ang Numb Without You, Broken Parts at My Best Habit.