NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
TINGNAN si Satanas na si Lucifer ang demonyo, kanyang sinira ang plano ng Ama. Paano niya ‘yan nagawa? Dahil mayroon din siyang pagpili. At si Adan at Eba ay may pagpili rin.
ANG PAGKALINLANG NINA ADAN AT EBA
Kayo rin ay may pagpili. Ngunit dumating si Satanas sa panahon nang hindi pa buo ang pagkagulang ni Adan upang maipatupad ng may kahusayan ang kanyang pagpili. Dumating siya sa panahon na sanggol pa si Adan sa kanyang pagkaispirituwal. Kagaya ng isang sanggol, ng isang maliit na bata, kapag mag-alok kayo ng kendi sa isang bata at ito ay inyong pasusunurin, hindi alam ng bata na isa kayong kidnapper. Ang alam lang ng bata ay ang kendi. Kaya kanyang naakit sila ng kapalaluan, kalibugan sa mata at kalibugan sa laman. At kanilang ginamit ang kanilang pagkamusmos sa kalayaan ng pagpili upang suwayin ang Panginoon. Kaya sila ay nalinlang.
Mautak talaga si Satanas dahil isa siyang anghel. Ginamit niya ‘yon noong wala pa masyadong kaalam-alam sina Adan at Eba sa Kalooban ng Ama, kaya niloko sila. Si Satanas ay may kalayaan ng pagpili. Si Adan ay may kalayaan ng pagpili. Ako ay may kalayaan ng pagpili. Kayo ay mayroon ding kalayaan ng pagpili. ‘Yan ang naghihiwalay sa atin mula sa mababang uri ng nilikha ng Panginoon, dahil tayo ay nilikha sa Kanyang imahe. Ang imaheng ‘yan ay ang ating kalayaan ng pagpili.
ANG INYONG PAGPILI ANG SIYANG MAGLILIKHA SA INYO
Ano ngayon ang pipiliin niyo? Maaari kayong pumili na maging isang masama. Makapipili kayo na maging kagaya ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. O maaari ninyong piliin na maging si Michael ang Arkanghel. Ang inyong pagpili ang siyang maglilikha sa inyo kung sino kayo.
Ano ang nag-udyok sa akin upang maging Hinirang na Anak? – ang aking pagpili. Ano ang nagtulak sa iba na maging mga kidnapper? –ang kanilang pagpili. Maging sa mga mamamatay-tao? –ang kanilang pagpili. Ang kabayo ay hindi makapagsasabi ng “Pinili ko ‘to.” Ang kalabaw ay hindi makapagsasabi ng, “Pinili ko ‘to.” Tayo ay gumawa ng pagpili para sa kanila. Ngunit ang Panginoon ay hindi makagagawa ng pagpili para sa inyo. Hindi rin Siya makagagawa ng pagpili para kay Satanas na si Lucifer ang demonyo. Dahil kapag lumikha Siya ng isang bagay sa Kanyang imahe, Kanyang ilalagay ang imahe na siyang inyong kalayaan ng pagpili upang pumili anoman ang inyong gusto sa negatibo o positibo na paraan.
Kaya huwag ninyong sisihin ang iba kung nasa impyerno kayo, “Dahil man ito sa kanya, dahil man ito sa relihiyon ko, dahil man ito sa magulang ko, dahil man ito sa kaibigan ko.” Hindi. Dahil sa ‘yo. Kaya nga ang awitin ninyo doon sa impyerno, “Dahil sa Iyo.” Kahit na ipinatupad ninyo ang inyong pagpili sa mahusay na paraan, pagpili niyo pa rin ito. Kahit na ipinatupad ninyo ang inyong pagpili sa hindi mahusay na paraan.
MAGING MAINGAT SA MINIMITHI NG INYONG PUSO
Kaya maging maingat sa mga minimithi ng inyong mga puso dahil minsan ang demonyo ay dumarating at tinitingnan niya ang minimithi ng inyong puso. Kapag ang inyong mga minimithi ay marumi, ang demonyo ay makagagawa ng paraan bilang ahas upang kayo ay malinlang at kayo ay hihilahin saanman kayo sa moralidad sa pagsunod sa Kalooban ng Ama. At ilalagay kayo sa lugar kungsaan ayaw niyo ng bumalik ngunit naroon kayo dahil gumawa kayo ng hindi mahusay na pagpili.
Ang labing dalawang apostoles, ang labing isa ay gumawa ng pagpili upang manatiling matapat kay Jesus Christ. Ang isa, na kinilalang si Hudas Iscariote, ano ang kanyang pagpili? Siya ang taong pumunta sa Dakilang Saserdote upang ibenta si Jesus Christ. Siya ay gumawa ng pagpili. Sino ang nagdesisyon na maging instrumento ni Satanas upang pumasok si Satanas sa kanya dahil sa kanyang maruming mithiin? At ang maruming mithiin na iyon ay ang pag-ibig sa pera. Ginawa ‘yan ni Hudas. Si Hudas ang lahat ng may desisyon niyan.
Sino ang nagdesisyon upang tumungo sa dakilang saserdote sa kalagitnaan ng gabi? –si Hudas. Sino ang nagdesisyon upang makatanggap ng pera? – si Hudas. Sino ang nagdesisyon upang ibigti ang kanyang sarili? –si Hudas. Lahat ng ito ay kanyang pagpili. Itong lahat ay ating pagpili.
Gumawa rin ng pagpili si Pedro. Nakagawa rin siya ng kamalian nang kanyang ipinagkanulo ang Panginoon. Ngunit kanya ring itinuwid ang kamalian sa pamamagitan ng pagbalik at nagsabi, “Panginoon, patawarin ako; bigyan ako ng kalakasan.”
ANG PAGPILI NI JOB
Si Job ay isang tao na kagaya sa atin. Sino ang bumisita sa kanya? –si Satanas na si Lucifer ay tiningnan siya, sinabi niya, “Iyan si Job, pinagpapala mo lang ‘yan, matapat lang ‘yan sa ‘yo dahil marami siyang pagpapala.” Maninira talaga itong si Satanas, ano? Nang makita niya ‘yong mga pagpapala ni Job, anong nakikita niya? Ang katapatan ba ng paglilingkod ni Job? Nakikita ba niya ang katapatan ni Job sa paglilingkod sa Panginoon? Hindi. Hindi niya ito nakikita. Nakita niya ang 40, 000 na bakahan, 40, 000 na kalabaw. “Ah, maraming baka, kaya naglilingkod sa iyo, kaya nagpupuri siya sa ‘yo.” “O, sige kunin mo ‘yong 40, 000 na baka.” At ang demonyo ay tumungo sa lupa at ginawa kay Job ang mga masasamang gawain. Ninakaw lahat ang 40, 000 baka. Pagkatapos ‘yong tupa naman, ganun din karami.
Ano ang pagpili ni Job? “Ang Panginoon ang nagbigay; ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon!” Iyan ang pagpili ni Job. Puwedeng piliin ni Job ang kabaligtaran. Maaari niyang gawin at sabihin niyang, “Anong klaseng Dios itong pinaglilingkuran ko? Bakit namatay lahat ng baka ko? Bakit ninakaw lahat ng tupa ko? Pinatay pa yaong mga alagad ko. Anong klaseng Diyos ito? Anong klaseng paglilingkod ito?” Siguro iisipin niyo na lang…bubulungan kayo ni Satanas, “Hindi, iniwan ka na ng Dios mo, kasi nagkasala ka, pinabayaan ka na Niya. Wala na Siyang pakialam sa ‘yo. Hindi ka na niya mahal.” Iyan ang tatrabaho sa utak niyo. Pero tingnan ninyo, kapag kayo ay matapat sa Kalooban ng Ama, kahit na sa hindi kanais-nais na sirkumstansya; kahit sa mga panahon na hindi ninyo maiintindihan ang nangyayari sa paligid ninyo at ang negatibo ay magdudulot sa inyo sa anumang paraan, ang inyong pagpili na sumunod sa Kanya ay nanatiling buo. Dahil kayo ay naglilingkod sa Kanya ng walang kondisyon. Kagaya ng tatlong anak ng Hebrew, sila ay naglilingkod ng walang kondisyon, walang kondisyong katapatan sa Kanyang Kalooban. Iyan ang pinakamagandang pagpili na dapat gawin ng tao.
(ITUTULOY)