SMNI NEWS
ISANG facial injury nanaman ang natamo ni action-drama queen Angel Locsin.
Labis na nabahala ang mga fans ng aktres matapos nitong ihayag na siya’y nakagat ng aso sa mukha.
Sa kaniyang IG story, ibinahagi ni Angel ang kaniyang larawan na mayroong kagat ng aso sa kaniyang baba.
Ngunit hindi na ibinahagi pa ng aktres kung kailan at kung papaano niya ito natamo.
Magugunita na nitong weekend lang nagtamo ng blackeye si Angel na kaniya ring itinangging i-detalye.