HUMARAP sa korte ang American actor na si Ashton Kutcher upang tumayong testigo sa tinaguriang “Hollywood” ripper murder.
Kaugnay ito sa pagpaslang ng kaniyang kaibigan, ang dating aktres na si Ashley Ellerin noong 2001.
Giit ng aktor, isa sa dahilan ng kaniyang pagtestigo ay dahil natatakot siyang ituring na suspek dahil sa kaniyang fingerprint sa pintuan ng biktima.
Kwento ni Ashton, pinuntahan niya si Ashley sa tahanan nito dahil nakatakda silang dumalo sa post Grammy-party nang gabing iyon ngunit wala ang aktres sa bahay.
Pebrero 2001 nang walang habas na pinagsasaksak si Ashley at dalawang iba pa ng tinaguriang Hollywood serial killer.