Pumanaw na ang beteranong aktor na si Eduardo “Eddie” Garcia sa edad na siyamnapung taong gulang.
Sa inilabas na medical bulletin ng Makati Medical Center, binawian ng buhay ang premyadong aktor kaninang alas-4:55 ng hapon ng Miyerkules, Hunyo 20, 2019.
Matatandaan na halos dalawang linggo ring nag-agaw buhay ang tinaguriang Manoy ng Philippine showbiz, sa Intensive Care Unit ng nasabing ospital matapos napatid sa cable wire sa gitna ng taping sa Maynila.
Sa kaniyang pagkadapa ay napuruhan ang kanyang cervical spine na nauwi sa kanyang pagka-comatose simula nitong June 8.
Sa ngayon ayon kay Dr. Tony Rebosa, ang tagapagsalita ng pamilya ni Eddie, wala pang detalye hinggil sa magiging libing ni Eddie dahil patuloy pa ang pag-asikaso ng naulilang pamilya sa labi nito.
Si Eddie ay mayroong partner of 33 years na si Lilibeth Romero, ina ni One Pacman party-list rep. Mikee Romero, at sinasabing may anak na nakabase sa California na nagngangalang Lisa Ortega.