ASAHAN na ang dalawang taong showbiz hiatus ng Korean superstar na si Do Kyung-Soo o mas kilala bilang D.O. ng K-Pop group na EXO.
Nakatakda nang simulan ni D.O. ang mandatory military service nito sa darating na Hulyo.
Inanunsyo ng talent agency ng EXO sa Korea Herald ang balita ngunit hindi na nito idinetalye ang enlistment ng Korean star ayon na rin sa hiling nito.
Magugunitang una nang sumalang sa military service ang mga kapwa miyembro nito na si Xiumin nitong buwan.
Ang naturang military service ay mandatory sa lahat ng lalaki sa South Korea na nasa edad 18 hanggang 35 years old.