MAKATATANGGAP na ng karagdagang pensyon ang mga retiradong military and uniformed personnel o MUP.
Ito ay matapos maglabas ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa nilagdaang Joint Resolution No. 1 sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine Military Academy (PMA) Class 1971.
Makikinabang sa dagdag benepisyong ito ang mga retiradong MUP ng Armed Forces of the Philippines-General Headquarters, Philippine National Police, Bureau of Fire at Bureau of Jail Management and Penology.
Ayon sa DBM, inilabas na nito ang kaukulang pondong P29.9 billion para sa AFP-GHQ, P21.7 billion para sa PNP, P1.9 billion sa BFP at tinatayang P731 million para sa BJMP.
Ang naturang resolution ay isinulong nina Senador Panfilo Lacson at Senador Gregorio Honasan II na layong taasan ang base pay ng mga uniformed personnel sa pamahalaan.