Hinahangaan ngayon sa social media ang former ‘Darna’ star na sina Nanette Medved-Po at Angel Locsin dahil sa pagiging real-life superhero.
Sa kaniyang Instagram account, ibinihagi ng 2005 Darna na si Angel ang larawan ng 31 student na kaniyang sinusuportahan sa pamamagitan ng scholarships.
Say ni Angel naniniwala siya na ang edukasyon ang isa sa pinaka mahalagang regalo na maaaring ibigay sa isang indibidwal upang mahubog ito na magkaroon ng magandang kinabukasan.
Habang, classrooms naman sa MARAWI CITY ang ibinigay ni 1991 Darna Nanette Medved-Po.
Very happy at proud na inanunsyo ng dating aktres ang matagumpay na pagturn-over ng walong classrooms na gagamitin ng mga batang estudyante ng Marawi.
Ani Nanette, ang kaniyang dating role bilang darna ang nagbigay inspirasyon na tumulong sa mga nangangailangan.
Dahil dito, pinatunayan nina Angel at Nanette na ang pagiging Darna ay hindi lang basta isang role sa pelikula kung kundi pagiging isang role model ng kabutihan sa totoong buhay