NI: KRISTINE JOY LABADAN
KAKAIBANG saya ang naidudulot ng madaliang pag-imbento ng pampaganda bilang alternatibo sa mga sikat na produktong nabibili sa pamilihan.
Halimbawa na lang ay ang paggawa ng face mask mula sa iyong refrigerator o di kaya’y ang mahikang nagagawa ng apple cider vinegar sa iyong buhok. Kahit ang mga taong mahilig sa produktong pampaganda ay ginugusto rin ang isang DIY hack ngunit ang mga ito ay maaari ring makasama sa’yo. Tuklasin ang ilang skincare tricks na inaakala mong gaganda ka ngunit mapinsala pala ito.
Lemon/Lime juice bilang pagtanggal ng dead cells
Epektibo raw ito kung gustong pagmukhaing makapal ang mga labi. Iyon din ang magiging resulta kung ipi-pwersa ito sa ating mukha dahil ang mga ito’y super-acidic juice na matapang para sa balat. Ang maaari pang ikalala nito ay kung ikaw’y naarawan, ito’y pwedeng makapag-resulta ng rashes o di kaya’y pagkasunog ng balat dahil sa chemical reaction.
Paglagay ng glue sa blackheads
Kahit hindi toxic ang paggamit ng glue sa blackheads ay malaki din ang tyansa na mairita nito ang sensitibong balat sa iyong mukha. Imbes na magbakasakali, magpunta na lamang sa isang dermatologist tungkol sa Rx retinoid, na hindi katulad ng glue ay napatunayan nang mabisa upang linisin ang maduming pores sa iyong mukha.
Coconut oil bilang face moisturizer
Maraming gamit ang langis, kabilang na dito sa pagluluto, sa pagpahid nito sa iyong buhok at sa ilang tuyong parte ng balat, pero ang patuloy na paglagay nito sa mukha ay maaaring maging sanhi ng pagbara ng iyong mga pores.
Toothpaste sa pimples
Maaaring matuyo nito ang tigyawat dahil sa sangkap nitong baking soda at peroxide ngunit may malaki ring tyansa ng iritasyon tulad ng pamumula ng bahagi ng mukha na pinahiran nito.
Hilaw na itlog para sa iyong mukha
Ang skin-tightening na nagagawa ng itlog ay matagal nang kilala ngunit ang patuloy na paggamit nito ay ang pagkakaroon ng salmonella bacteria.
CAPTION:
ALLERGIES sa mga DIY beauty hacks ay maaaring magdulot ng dermatitis, hives, at iba pang kondisyon sa balat na maaari ring lumala at maging kanser.
LARAWAN MULA SA FIND HEALTH TIPS