Anna Mae Alpuerto
Sa kanyang limang taon sa National University, nagsilbi si Santiago bilang pinaka-sikretong sandata ng Lady Bulldogs. Ang kanyang kumbinasyon ng taas, athleticism, at kagalingan sa maraming bagay ay isa sa malaking banta sa lahat ng mga kalabang koponan.
Nakatanggap siya ng maraming indibidwal na parangal sa kanyang karera sa UAAP, kabilang ang tatlong magkakasunod na Best Attacker awards at ang Most Valuable player ng kanyang panahon. Ngunit may isang kulang sa kanyang koleksyon — ang championship trophy.
Sa kabila ng pangingibabaw ng 6-foot-5 na si Santiago ay hindi pa nakakaabot sa kampyonato ang kanyang kuponang Lady Bulldogs. Bigo man syang maihatid sa finals ang Bulldogs naisama naman niya ito sa semifinals ng tatlong beses ngunit hindi pa rin nila nakuha ang kampeonato sa huling yugto ng liga.
“It hurts that I wasn’t able to give a championship to NU now that I’m leaving. I got really emotional. I cried because this is my last playing year with my teammates. We went through a lot in NU. We encountered a lot of ups and downs, so it’s really difficult to leave them,” ani Santiago.
May 11 taon na ang nakalilipas nang ang 23-taong-gulang ay nakatanggap ng athletic scholarship offer mula sa University of California, Los Angeles (UCLA). Sa kaniyang pagtapos ng elementarya nagkaroon siya ng pagkakataon na sumali sa isang elite volleyball training program at makapaglaro para sa isang US NCAA division.
Sa sorpresa ng marami, ipinasya ni Santiago at ng kanyang pamilya na hindi tanggapin ang scholarship at sa halip na pumunta sa ibang bansa, ang batang Caviteña ay nagpasyang pumasok sa National University at samahan ang kanyang kapatid na babae, si Dindin, sa koponan ng Lady Bulldogs; tinagurian silang Twin Towers dahil sa kanilang tangkad.
Nagsanib pwersa ang magkapatid na Santiago upang maihatid sa kampyonato ang Lady Bulldogs sa Shakey’s V-League. Sa isang reinforced squad sila ay tinaguriang mga paboritong manlalaro upang mapanalonan ang korona ng UAAP. Ngunit hindi rin nagpahuli ang Ateneo Lady Eagles upang maungusan ang parehong NU at La Salle sa stepladder semifinals na naging dahilan upang hindi makuha ng NU ang kampeonato.
Nabigo man si Jaja Santiago na madala ang NU sa kampeonato, ito ay naging inspirasyon niya upang mas lalo pang mapagbuti ang kanyang mga natitirang taon sa kolehiyo. Ipapakita nila ang kanilang dominanteng porma sa pre-season at makakatanggap din siya ng mga ibat-ibang indibidwal na parangal.
Matapos ang kanyang ika-apat na taon at maagang exit sa UAAP, iniisip ni Santiago ang tungkol sa kanyang huling taon sa paglalaro. Ito rin ang panahon na nakatanggap siya ng isa pang international offer mula sa propesyonal na Thai volleyball club na Bangkok Glass. Inanyayahan siya upang maging reinforcement sa koponan ng Thailand sa Liga, ngunit tulad ng ginawa niya sa UCLA, tinanggihan niya ito at piniling manatili sa NU.
Ang Season 80 ay isa sa mga naging masakit na season para kay Santiago dahil ito ang kanyang huling pagkakataon para mahatid ang Bulldogs sa kampeonato. Ngunit, ang lahat ng kanyang isinakripisyo, ang bawat pagkakataon na pinalampas niya ay nauwi sa wala.
“Ngayong ako ay nasa huling taon ng paglalaro, hindi ako tatanggap ng ibang resulta. Hindi ko gustong mag-graduate nang hindi nakakakuha ng isang kampeonato ng UAAP,” ang kanyang panunumpa bago magsimula ang tournament.
Tulad ng nasa kapalaran, ang pattern ng Lady Bulldogs para sa huling apat na taon ay nagpatuloy. Naghari sila sa PVL Collegiate Conference at nakakuha si Santiago ng iba’t ibang mga parangal kabilang ang MVP, ngunit muli silang nabigo na makakuha ng tiket sa finals.
MGA TANONG KUNG PAANO KAYA?
Para sa kanya, hindi niya naiisip ang mga tanong na “Kung ano? Paano kaya?” Sa halip ay inisip nya lang na mapagtagumpayan ang tropeyo, iginiit niya na wala siyang pinagsisihan sa kanyang mga desisyon na manatili sa NU.
“Wala akong ikinalulungkot dahil pinag-isipan at pinili ko ang lahat ng desisyon ko. Nagtrabaho ako nang husto para sa anumang nais kong gawin, kahit na nakinabang ako dahil inihanda ito sa akin para sa susunod kong mga pagkakataon,” sabi ni Santiago.
Ang pagkabigo ng kanyang koponan sa UAAP ay hindi dapat tukuying tuldok na sa kanyang karera. Sa edad na 23, malawak pa ang kinabukasan niya sa larangan ng volleyball.
Marami pang mga pagkakataong naghihintay kay Santiago sa ibang bansa, na kumakatawan sa Pilipinas sa internasyonal na mga paligsahan at mga lokal na liga. Kung saan ang kanyang susunod na paglalakbay ay maaaring magdala sa kanya sa lahat ng kanyang nais at mag-iwan ng marka sa kanyang buhay.
“Matatandaan ka ng mga tao batay sa kung paano mo ipinakita ang iyong sarili at ang iyong pagkatao. Gusto kong matandaan nila ako bilang tunay na Jaja, batay sa kung ano ang nakita nila sa akin, hindi lang sa tangkad ko ngunit ang nagawa ko para sa koponan ko at sa bansa,” pagtatapos niya.