Chinese, Japanese, at Koreans – karamihan sa mga banyagang nagtatrabaho sa bansa.
INILAHAD ng Department of Labor and Employment sa 38th Cabinet Meeting ang estado ng mga nagtatrabahong banyaga sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello sa pagpupulong na ang mga pangunahing mga banyaga na nagtatrabaho sa bansa ay mga Chinese, Japanese, at Koreans.
Karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang administrative support, offshore gaming operations at business process outsourcing.
Upang maresolba ang issue ng legalidad ng kanilang pagtatrabaho ay kailangan magkaroon ng isang joint memorandum circular na binubuo ng DFA, DOF, DOJ, BIR, DENR, PRC, BI at NICA.
Sa pamamagitan ng joint memorandum circular ang isang foreign national ay kinakailangan makakuha muna ng alien employment permit, working visa at tax identification number bago sila payagan magtrabaho ng legal sa bansa.