TINULDUKAN na ng aktres na si KC Concepcion ang mga usap-usapan tungkol sa kaniya umanong pagbubuntis.
Deretsahang sinagot ni KC ang mga alegasyon ng fans sa social media hinggil sa kaniyang love life.
Say ni KC, bagaman hiling at nais na rin niyang magdalang tao, unfortunately walang katotohanan ang balita.
Gayunman plano na din aniya na magkaroon ng sariling anak.
Bukod dito ay pinabulaanan din ni KC ang mga tsismis na hiwalay na sila ng kaniyang long distance French boyfriend na si Pierre Plassart.
Ibig lang anila na magkaroon ng kaunting privacy sa kanilang relasyon kaya’t bihira na ito magpost ng kanilang couple pictures.
Agosto ng nakaraang taon nang isapubliko ng dalawa ang kanilang boyfriend-girlfriend status.