ININSPEKSYON ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at ilang airlines ang konstruksyon sa Sangley Airport sa Cavite.
Ito ay bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat sa nasabing paliparan ang ilang domestic flights mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa DOTr, sa ngayon ay nasa 48.68% nang kumpleto ang konstruksyon ng dagdag na airport facilities na nagsimula noong 2018.
Pebrero nitong taon naman aniya ng matapos ang asphalt overlay ng runway habang nasa 18% completion rate na ang passenger terminal building, ang drainage ay 71.6 percent habang 37% ng tapos ang hangars.
Sinabi ng DOTr na layon nang pag-inspeksyon na madetermina ang landing berth para sa ferry operations sa Sangley Airport.
Kamakailan ay nakipag-pulong si Tugade sa mga airline officials na nangako ng kanilang buong suporta na gamitin ang Sangley Airport para sa general aviation at turboprop operations para makatulong sa pag-decongest sa NAIA.
Ipinag-utos din ni Tugade ang 24/7 construction sa paliparan na nagsimula na rin para makamit ang November deadline na itinakda ni Pang. Duterte na gawing operational ang paliparan.