Red tape ang tawag sa sobra sobrang mga alituntunin o proseso na dapat sundin at mga dokumento na dapat isulat na sanhi ng mabagal o walang natatapos na transaksyon.
MAAARING ireklamo ang mga kawani ng ahensiya ng gobyerno na hindi tinutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang kliyente o mabagal ang transaksyon.
Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Chairman Ernesto Perez, sinabi nito na ang pagbubulakbol sa oras ng trabaho ay paglabag sa mandato nila sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o mas kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Ayon kay Perez, maaaring pumunta sa tanggapan ng ARTA para magreklamo o kaya ay mag-email sa complaints@arta.gov.ph at siguraduhing isama ang pangalan ng kawani na hindi tumanggap ng aplikasyon.
Agad naman na paiimbestigahan ang inireklamong government employee at maaaring i-refer na nila ang kasong administratibo sa Civil Service Commission o sa Office of the Ombudsman kapag may criminal liability.