ISANG Flipino film na naman ang magpapamalas ng galing ng Pinoy sa international scene.
Nakapasok sa Karlovy Vary International Film Festival 2019 ang acclaimed Filipino film na Oda sa Wala ni direk Dwein Baltazar.
Makakatunggali ng Oda sa Wala o Ode to Nothing ang 12 pelikulang mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo gaya ng Greece, Belgium, UK at Amerika.
Magsisimula ang nasabing A-list European film festival ng Czech Republic sa Hunyo 28 at gaganapin ang awards night sa Hulyo 6.
Nauna nang humakot ng awards ang Oda sa Wala sa 2018 QCinema International Film Fest kung saan naiuwi nito ang best film, best screenplay, best cinematography, best director at best actress awards.