PATULOY na binabantayan ng pambansang pulisya ang aktibidad ng KAPA Community Ministry International Incorporatedna nasasangkot sa umano’y multi-bilyong pisong investment scam.
DINEPENSAHAN ng Malakanyang ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasara ng KAPA Community Ministry Inc. at iba pang investment company na nag-o-operate ng labag sa batas.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo na ginawa lang ng pangulo ang nararapat upang matuldukan ang panloloko nito sa mga tao.
Iginiit ni Panelo na babagsak sa syndicated estafa ang ginawang pang-eenganyo ng mga kumpanyang ito na mag-invest kapalit ng malaking porsyentong tubo sa mabilis na panahon.
Pinayuhan naman ng kalihim ang mga biktima ng investment scheme na magsampa ng kaso upang mabawi pa nito ang puhunan na inilagak sa naturang kumpanya.
Wala umanong ibang paraan para marecover ang pera ng mga investor kundi magsampa ng kaso.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapasara sa KAPA at iba pang investment company na parang kabuteng nagsulputan sa Mindanao at ilang bahagi ng Kabisayaan.