PLANONG isasagawa sa ipapatayong Philippine Coast Guard Hospital ang medical examination sa lahat ng trainees.
HINIHINTAY na ngayon ng mga taga Philippine Coast Guard o PCG ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas na magtatayo ng Philippine Coast Guard General Hospital.
Ang ospital ng Coast Guard ay itatayo para tugunan ang pangangailangang medikal ng mga PCG personnel, empleyado at mga dependents maging ang mga retired uniform personnel.
Sa Philippine Coast Guard General Hospital na rin magsasagawa ng medical examination sa lahat ng trainees ng Philippine Coast Guard para masiguro ang kakayahang pisikal at mental.
Itatayo naman ang pasilidad sa Coast Guard Base sa Lower Bicutan sa Taguig City.
Enero pa ngayong taon naipasa sa Kamara ang panukala habang naihabol naman sa Senado bago mag-sine die ang panukala noong June 3.