KAMPEON ang Pasig City sa programa ng Philippine Sports Commission-Philippine Sports Association for Differently Abled (PSC-PHILSPADA) na National Para Games 2019.
Ang NPG 2019 ay ginanap sa Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center, Guiguinto, Bulacan kamakailan, kung saan nakakuha ang lungsod na tinaguriang “Green City” ng 94 na medalya; kabilang dito ang 39 ginto, 32 pilak at 23 tanso matapos ang apat na araw na kumpetisyon na nagdala sa kanila sa pinakamataas na pwesto.
Samantala, nakamit ng Lalawigan ng Pangasinan ang ikalawang pwesto sa nakuhang 25 ginto, 12 pilak at 14 tanso na sinundan ng Lungsod ng Davao na may 20 ginto, 24 pilak at 13 tanso.
Ang PSC-PHILSPADA National Para Games ay isang taunang patimpalak para sa mga atletang may kakulangang pisikal na mula sa iba’t ibang panig ng bansa.