NI: JHOMEL B. SANTOS
MAINIT na tinanggap ng Bacolod City ang Hinirang na Anak ng Diyos na si Pastor Apollo C. Quiboloy para sa unang yugto ng King is Coming Tour 2019 nito sa Pilipinas noong isang linggo, Hunyo 16, 2019.
Patunay dito ang pagdagsa ng libo-libong katao na nakinig sa mensahe ng anak na maghahatid sa kanila ng kaliwanagan patungkol sa mensahe ng Amang Makapangyarihan.
Libu-libo ang dumalo at nakiisa para sa pinaka-hihintay na Thanksgiving and Worship Presentation ng the Kingdom of Jesus Christ at ang muling pagbabalik ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa City of Smiles pagkatapos ng labing pitong taon.
Libu-libo katao ang dumalo sa Thanksgiving and Worship Presentation ng Kingdom of Jesus Christ sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Bacolod City.
Naroon din ang mga sympathizers, first time at walk in visitors, covenant partners, at maging ang mga tagapakinig ni Pastor Apollo sa mga programa nito sa radyo na napapakinggan sa DYAR 765 Sonshine Radio Cebu, at mga masugid na tagapagsubaybay sa programa nito sa telebisyon sa Sonshine Media Network International.
Ang mga ito ay produkto rin ng live streaming ni Pastor Apollo sa ibat-ibang social media platform at sa www.smnichannel.com.
Sa pag-uumpisa ng panambahan, nag-alay ang lahat ng papuri at pasasalamat sa Amang Makapangyarihan sa pangunguna na rin ng mga Kingdom musicians na nag-alay naman ng mga makalangit na awitin.
Nag-alay ang lahat ng papuri at pasasalamat sa Amang Makapangyarihan sa pangunguna na rin ng mga Kingdom musicians.
Samantala, hindi rin pinalagpas ng Kingdom youths at maging ng mga kabataan sa Kaharian ang pagkakataon na mai-alay ang kanilang talento sa pagpupuri sa Amang Makapangyarihan.
Kingdom orchestra ng Kingdom Light Congregation ng Bacolod City
Sabay-sabay ding nag-alay ng masasayang awitin ang lahat bilang papuri at pasasalamat sa Ama sa pagkakataong makasama muli ang Hinirang na Anak ng Diyos na si Pastor Apollo C. Quiboloy!
Hindi rin pinalampas ng ilang opisyales ng Negros Occidental at ng mga kaibigan ni Pastor Apollo ang pagkakataong makadalo sa nasabing pagtitipon.
Ilang sandali pa ay nangusap na si Pastor Apollo C. Quiboloy dala-dala ang mensahe ng Amang Makapangyarihan hatid ang kaliwanagan at tunay na daan patungo sa kaligtasan.
Bago pa man nagtapos ang Special Thanksgiving and Worship Presentation, nag-alay ng isang espesyal na dalangin si Pastor Apollo para sa mga dumalo at maging sa kaniyang mga tagapagsubaybay sa telebisyon at internet.
Nag-alay ng isang espesyal na dalangin si Pastor Apollo para sa mga dumalo at maging sa kaniyang mga tagapagsubaybay sa telebisyon at internet.
Samantala, sa nasabing okasyon din iprenisenta kay Pastor Apollo ang ibat-ibang pagkilala sa mga nagawa at naiambag nito at ng pinamumunuan nitong kongregasyon sa komunidad partikular na sa mga bayan ng Bacolod at Talisay sa Negros Occidental.
Isang Plake ng Pasasalamat rin ang iniabot ng Bacolod City para sa butihing Pastor para sa hindi matatawarang dedikasyon nitong maipabot ang mensahe ng ama sa publiko.
Isang Token of Friendship din ang iniabot ng Bacolod City local government para kay Pastor Apollo.
Maliban pa rito, kinilala rin ng local government ng Bacolod City ang pag-ibig ni Pastor Apollo sa mga batang mahihirap sa Pilipinas sa pamamagitan ng Children’s Joy Foundation.
Isang Token of Friendship rin ang iniabot ng Bacolod City local government para kay Pastor Apollo C. Quiboloy
Nakatanggap din si Pastor Apollo C. Quiboloy ng parangal sa mga proyekto nito para sa kalikasan sa Talisay City at maging sa buong Pilipinas.
Bago paman mag-umpisa ang panambahan ay nag courtesy call muna ang mga opisyales ng Negros Occidental kay Pastor Apollo kabilang na ang bagong halal na governor ng probinsya– Negros Occidental Governor Eugenio Jose “Bong” Lacson at Bacolod City Administrator, Atty. John Arola, Jr. bilang kinatawan ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia. Si Mr. Raymond Gellekanao naman ang tumayo bilang kinatawan ni Talisay City Mayor Nilo Jesus Antonio “Neil” E. Lizares III.
Nag-courtesy call ang bagong halal na si Negros Occidental Governor Eugenio Jose “Bong” Lacson kay Pastor Apollo C. Quiboloy bago naganap ang panambahan sa Bacolod City.
Nakipagkita rin kay Pastor Apollo si Bacolod Mayor Evelio Leonardia matapos ang nasabing panambahan.
Tunay ngang pinagpala ang Bacolod City sa pagbisita ng Hinirang na Anak ng Diyos sa lugar dala-dala ang pagpapalang espiritwal na walang silid na kalalagyan.
Samahan muli si Pastor Apollo sa pagpapatuloy ng King is Coming Tour nito sa Cagayan de Oro City ngayon Hunyo 23, sa The Atrium sa Limkitkai Mall, Cagayan de Oro City Philippines upang makatanggap ng kaliwanagan sa tunay na kalooban ng Amang Makapangyarihan.
Patuloy lamang na sumubaybay dito lamang sa Sonshine Media Network International para sa pinakahuling kaganapan sa mga aktibidad ni Pastor Apollo at ng The Kingdom of Jesus Christ.