NAKATAKDANG ilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa susunod na buwan ng Hulyo ang mobile application na layong matulungan ang kanilang graduates na magkaroon ng trabaho.
Ayon kay TESDA Director General Isidro Lapeña, tatawagin ang nasabing mobile app na “911 TESDA” kung saan magsisilbing pilot area ang Metro Manila.
Mag-ooperate aniya ang nasabing application tulad ng Grab at iko-konekta nito ang kanilang graduates sa mga nangangailangan ng TESDA-trained workers.
Sinabi ni Lapeña na pinaplantsa na ng working group ang mga detalye kaugnay nito at iimbitahan nila ang stakeholders para bumalangkas ng makatwirang pricing scheme.
TATAWAGIN ang nasabing mobile app na “911 TESDA” bilang pilot area ang Metro Manila.