VICK AQUINO TANES
ALAM n’yo bang bihira lamang sa mga Pinoy ang may body odor? Ito ay dahil sa pang-eenganyo ng mga produktong pampabango, kasabay pa ng pagmomodelo ng mga sikat na endorser.
Ngunit sa kabilang banda, medyo malaki rin ang nagagastos ng bawat Pinoy sa mga perfume, deodorant at iba pang pabango.
Alam n’yo ba na ang mabahong amoy ay nagmumula sa naghalong pawis at bacteria sa katawan. Narito ang ilang tips para maiwasan ang pangangamoy ng katawan o B.O.:
-
Maligo araw-araw. Makabubuting sabunin at kuskusin ang buong katawan, lalo na ang mga lugar na madalas mangamoy. Mainam na gumamit ng sabon. Pumili ng sabon na may anti-bacterial ingredient.
2. Kiskisan ang singit. Mainam na makiskisan palagi ang mga kasingit-singitan na bahagi ng katawan, partikular na ang kilikili, singit at mga daliri. Ibang klase ang pawis na lumalabas sa mga lugar na ito dahil mas maamoy sila kaysa sa ibang lugar.
3. Maglagay ng deodorant. Hindi naman masama ang pagpahid ng deodorant sa kili-kili. Pero may iba rin namang alternatibo kung medyo napapagastos ka. Maaaring gumamit ng tawas o baking soda.
4. Uminom ng 8-12 basong tubig. Ito ay para luminis ang iyong katawan.
5. Mag-alcohol. Alam naman natin na ang alcohol ay pumapatay o pinahihina ang germs. Subukan ang alkohol sa kilikili at paa. Kapag napatay ang mikrobyo, mababawasan din ang amoy.
6. Umiwas sa pagkaing spicy. Kung hot ka at mas lalong pagpapawisan ka kaya dapat na umiwas sa maaanghang na pagkain. - Magsuot ng cotton na damit – mas mabilis matuyo ang pawis sa cotton at linen na tela. Umiwas sa mga nylon na damit. Mas mainam din kung maluwag ang kasuotan.
8. Labhan maigi ang mga damit – dapat na malilinis na damit ang isinusuot sa araw-araw upang makaiwas sa pangangamoy ng katawan. Kapag mabango ang suot na damit, hindi ka mangangamoy.
9. Mag-relax ka. Pag kinakabahan ka, lalo kang papawisan.
10. Good grooming. Dapat nating panatilihin ang good grooming upang malayo sa sakit.