SA pagitan ng Setyembre at Disyembre isasagawa ang multiple pilot tests bago tuluyang buksan ang registration para sa national ID.
TARGET ng pamahalaan na marehistro ang nasa 105 milyong Pilipino sa National ID System bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.
Ito ang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary and National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Pernia sa naganap na Pre-State of the Nation Address (SONA) Economic and Infrastructure Forum kamakailan.
Ani Pernia, minamadali na ng NEDA ang implementasyon ng Philippine Identification System o Philsys na sisimulang ipatupad sa Setyembre.
Nangangalap na aniya ang NEDA ng iba’t ibang teknolohiya at equipment na kakailanganin tulad ng automated biometric machines at systems integrator.