Presidential Spokesman Salvador Panelo
NAGKASUNDO ang Pilipinas at Indonesia patungkol sa delimitation ng exclusive economic zone boundary ng dalawang bansa.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Joko Widodo sa Indonesia.
Sinabi ni Panelo na ang completion ng listahan ng mga requirements ang highlight ng pulong ng dalawang lider.
Ayon kay Panelo, ipinapakita lamang ng accord na ito ang “strong and tight bond” sa pagitan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Panelo na itinuturing ng Malacañang ang legal instrument na ito bilang magandang precedent para maresolba ang mga maritime concerns at hindi pagkakaintindihan alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).