Wika ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na katanggap-tanggap sa modernong panahon ang idelohiya ng komunismo kaya dapat nang tigilan ng communist rebels ang kanilang pakikibaka at sumuko na lang. (Larawan mula sa PCOO)
Ni: QUINCY JOEL CAHILIG
WALANG humpay ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng peace and order sa bansa sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga programa, lalo na ang pagsugpo sa mga masasamang elemento na naghahasik ng takot at kaguluhan sa mamamayan.
Bukod sa droga, at krimen, patuloy na binabaka ng pwersa ng pamahalaan ang komyunismo sa bansa. Itinuturing ngang terrorist group ang New People’s Army (NPA), ang armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP), hindi lamang ng Philippine government, kundi maging ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, at New Zealand. Kaya naman pursigido ang militar at pulisya na pulbusin ang nalalabing mga communist rebels.
Kamakailan ay muling ipinahayag ni Pangulong Duterte ang pagnanais niyang matuldukan na ang mahigit 50 taong communist movement sa bansa. Wika ng Pangulo, laos na umano ang ideolohiya na pilit nilang pinapalaganap at hindi na katanggap-tanggap sa makabagong panahon ang komyunismo. Sa katunayan, aniya, tinalikuran na umano ito ng maraming bansa at pinili nilang tahakin ang demokratikong landas.
“There are no communist countries anymore, but the Philippines is letting itself be deceived,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa General Santos City kung saan siya ay namahagi ng land titles sa mga beneficiaries ng agrarian reform doon.
Ginawang halimbawa ni Duterte ang China na tinanggap na ang kapitalismo, na nagbunsod sa mabilis na pag-unlad ng bansa dahil sa “market-driven, controlled economy.”
Kaya naman binalaan ni Duterte ang mga rebeldeng New People’s Army na, gaya ng droga, at iba pang krimen sa bansa, malapit na ang kanilang katapusan.
“Whether you agree to it or not, you NPAs, the communists, you are about to end. You don’t have guns, you don’t have bullets, you don’t even have food. All you have are sores and you are being bitten by leeches,” aniya.
Defense Secretary Delfin Lorenzana: “Let us rally behind our government to end local communist armed conflict.” (Larawan mula sa PNA)
MAGANDANG KINABUKASAN SA MGA SUSUKO
Gayon na lamang ang pagkamuhi ng Pangulo sa mga rebeldeng komunista dahil umano sa kaguluhang dinudulot nila sa mga pamayanan, kung saan sila ay naghahasik ng lagim at nagwawasak ng mga pamilya. At laganap aniya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang masaklap na kwento, kung saan hinihikayat ng mga NPA ang mga magulang na iwanan ang kanilang mga anak para sa armadong pakikipaglaban.
Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susukong rebelde na sila ay makakatanggap ng tahanan at suportang pangkabuhayan mula sa pamahalaan tungo sa mas maunlad at payapang pamumuhay. (Larawan mula sa PNA)
“What I really don’t like is the social disfunction in the whole Philippines. Just like drugs. There are many children who have not seen their own parents because their mom and dad have joined the armed movement,” wika ng Pangulo.
Sa kabila nito, bukas naman umano ang pintuan para sa mga miyembro ng NPA na nagnanais na magbalik-loob sa pamahalaan. Sa katunayan, wika ng Pangulo, nakahandang magbigay ang gobyerno ng kabuhayan at tirahan sa mga susukong rebelde.
“I promise to provide you with a job and a house when you surrender to the government. I will give you food to eat and the opportunity to study at TESDA so that you can learn new skills. TESDA is a department that focuses on teaching you livelihood skills,” wika ni Duterte.
“To the NPAs, surrender. You will no longer be hungry and your children will be able to go to school. I will pay for it and I will even feed you. I would pay you if you surrender your gun. Surrender it,” paghihimok ni Duterte.
Kamakailan ay may 31 mga dating miyembro ng NPA ang nakapagtapos ng apat na buwang skills training at apprenticeship program for heavy equipment operation sa ilalim ng TESDA.
Kabilang si Alias Omar, dating vice commander ng NPA Pulang Bagani Command 1, sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan at nabigyan ng pagkakataon na maituwid ang landas. Laking pasasalamat niya dahil siya ay napagkalooban ng magandang trabaho para matustusan ang kanyang pamilya.
Nobyembre noong nakaraang taon nang minarapat na sumuko ni Alias Omar sa gobyerno matapos niyang makita ang magagandang oportunidad na ibinibigay ng pamahalaan.
“Bagong kaalaman ito para sa amin. Nakakapagod na din at wala nang direksyon ang pakikipaglaban noon. Wala nang progreso sa mga buhay namin,” ibinahagi ng dating rebelde.
Ayon naman kay Col. Nolasco Mempin, commander ng 1003d brigade ng AFP, si Alias Omar at ang kanyang mga kasamahang surrenderers ay pinagkalooban din ng P394 daily allowance habang nasa training. Ang iba pa ay naging empleyado na ng GE Enterprise at ibang mga construction firms.
PAGTULUNGANG SUGPUIN ANG KOMUNISMO
Samantala, nanawagan ang Department of National Defense (DND) sa lahat ng Pilipino na suportahan ang mga hakbang ng gobyerno para tuluyang magapi ang banta ng communist terrorists sa bansa.
“In the spirit of nationalism, I call on every Filipino to safeguard the freedom that our ancestors fought for; the very freedom we have sworn to protect. Let us rally behind our government to end local communist armed conflict to eradicate the flaw of a foreign ideology that has inflicted division in our Motherland for decades. We will show the world what true Filipinos are: a disciplined, patriotic race, with an ever-burning sense of duty, ready to defend our nation against threats and foes,” panawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sinegundahan naman ng AFP ang pahayag ng Defense Secretary.
“We encourage every Filipino to actively participate in protecting our country and making our communities safe. Let us all take pride in our freedom not only during the celebration of our Independence but in every waking moment that we have as Filipinos,” wika ni AFP chief-of-staff Gen. Benjamin Madrigal.