Tanggap ni Prince William ng Britain kung sakali man na magkakaroon siya ng anak na homosexual o bading.
Gayunman, ang kanya lang aniyang ikinababahala ay ang mga bagay na maaaring pagdaanan umano ng kanyang anak.
Sinabi ni William na bilang magulang mas ikinababahala niya ang mga pressure na kahaharapin ng kaniyang mga anak kung sakaling maglalantad ito bilang bading, kung paano nila harapin ang mundo at kung ano ang mga hirap na kanilang pagdaanan, kung papaano mahuhusgahan ang mga desisyon ng kanyang mga anak lalo na sa pamilyang kanilang kinabibilangan.
May tatlong anak si William at kaniyang asawang si Kate Middleton na sina Prince George, 5-anyos, Princess Charlotte, 4-anyos, at Prince Louis, 1-taon.
Si William, ay ikalawa sa nakapila sa trono kasunod ng kaniyang amang si Prince Charles, ikatlo si George para maging hari.