NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
KAPAG sinabi ng Panginoon na Holy One, mananatili tayo sa Holy One, hindi Holy Three. Kapag sinabi niyang mahalin ang kaaway, mahalin ang kaaway.
Paano niyo mahalin ang kaaway? Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo. Ginagawa ba nila ‘yan? Hindi! Kanila pang kinamuhian ang bawat isa.
Tingnan ninyo ang pagkamuhi na ginawa ng relihiyon at denominasyon. Sila ay nagdidebate. Magpapatayan pa ang mga iyan. Iyan ba ang inutos ng ating Panginoon, na tinatawag nilang Lord Jesus Christ nila? Hindi! Pero, iyan ang ginagawa nila. Nagmamalaki pa ang mga iyan sa mga debate. Nag-iinsultuhan pa ang mga iyan sa debate. Ang ginagamit ang Salita ng Panginoon. Ang ginagamit ang pangalan ng Panginoon. Tapos, nagpapatutsadahan pa iyan kung sino ang totoo sa kanila. Ang pinatotohanan nila ay ‘yung kanilang relihiyon ang totoo. “Ikaw, hindi totoo ang relihiyon mo. Ito naman, hindi totoo.” Walang totoo sa inyo! Ang totoo si Jesus Christ lang! at magiging totoo lang si Jesus Christ kapag sinunod niyo ang Kaniyang sinabi!
ANG RELIGIOUS BOXING
Kahit Jesus Christ kayo ng Jesus Christ, hindi niyo naman sinusunod ang sinabi Niya, pekeng Jesus Christ ang nasa inyo. Kahit ang laki-laki pa ng karatola mo, JESUS CHRIST. Para makita, ginawa pang pula ang lettering. Akala mo kung sinong may otoridad na gumamit ng pangalan na iyan. Pagkatapos, hindi naman sinusunod ang sinabi Niya. Kapag nagkikita sila, puro Jesus Christ ang dala, nagpapatayan, nagsusuntukan, nag-aaway, nagdedebatehan. ‘Yung debatehan na iyan, religious boxing ang tawag ko diyan.
Magpaturo kayo sa mga professional boxer. Sino ‘yong mga professional boxer? Mga abogado. “May abogado ako, sige turuan kita magdebate, ganito ang sabihin mo, at saka ‘yong boses mo, iregulate mo.”
Iyan, religious boxing. Religious UFC ‘yan. Religious wrestling ‘yan. Iyan ba ang itinuro ng Ama sa atin na nagdadala sa Kaniyang pangalan? Anong sinabi Niya? “Kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa’t isa. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad.” Lahat kayo ay nagpupunyagi upang maging disipulo ni Jesus Christ dahil ginagamit ninyo ang Kanyang Pangalan. Ngunit inilagay ninyo Siya sa kahihiyan sa pamamagitan ng tuwirang pagsuway sa Kanyang mga sinabi. Kaya ibinigay ang Anak. Dahil tatayo ako rito at itutuwid ko kayong lahat. Husgahan ko ang inyong mga ginagawa na hindi kalooban ng Ama. Mabuting magsisi na kayo, pumasok sa Kaharian dahil ang kaligtasan ngayon ay nasa mga kamay lamang ng Hinirang na Anak.
ANG KALIGTASAN AY NASA MGA KAMAY LAMANG NG HINIRANG NA ANAK
Ang kaligtasan ay nasa mga kamay ng Hinirang na Anak lamang. Lahat kayo na tumatawag sa Kanyang Pangalan, kalimutan ninyo ang relihiyon at denominasyon. Pumasok dito sa Bansang Kaharian, dahil dito nananahan ang katuwiran ng Ama. Siya ay dumating sa ikalawang beses upang tipunin ang lahat ng Kanyang mga mamamayan dahil ang tunay na kaluwalhatian ay mangyayari sa New Jerusalem!
Ito na ang dinakilang pangalan. Sino ba ako na hindi sumagi sa aking panaginip na ako ay dakilain ng Ama sa lahat ng Kanyang kaawaan at kahabagan at kabutihan.
Hunyo 17, isang mensahero mula sa langit ay nagsabi sa akin, “Ngayon, walang sinumang magsalita ng negatibo sa iyong pangalan, dahil iyan ay naging opisyal na Bagong Pangalan Niya.”
ANG DINAKILANG PANGALAN
Ang pangalan ng Ama ay nasa Anak: ang pangalan na iyan ay dakilain ng higit sa lahat.
Mga Taga-Filipos 2: 9-11;
b-9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
b-10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
b-11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
2,000 taong nakalilipas, iyan ang pangalan ng Dakilang Ama. Siya ay binigyan ng isang Pangalan na higit pa sa lahat ng Pangalan. Ngayon, pagkatapos ng 2,000 taon, Siya ay nagdulot ng Anak at Kanyang kinuha ang pangalan ng Hinirang na Anak bilang Kanyang Bagong Pangalan, dahil nakalagak sa akin ang Kanyang Pangalan. Bakit inilagak Niya ang Kanyang Pangalan sa akin? –upang ito ay depensahan; upang ito ay protektahan mula sa pang-abuso sa aking pangalan. Hindi na nila maabuso pa ang Kanyang pangalan, dahil narito ako upang husgahan ang bawat tao na mag-aabuso sa Kanyang Pangalan. Gamitin ang Kanyang Pangalan na walang pagsusunod, hindi na ninyo ‘yan magawa. Ang Anak ay narito upang sabihin sa inyo na kayo ay mahuhusgahan kapag ginawa ninyo ‘yan.
ANG TUNAY NA PATOTOO
Ngayon kapag kayo ay magpatotoo na si Jesus Christ ay Panginoon para sa kaluwalhatian ng Ama, saan ang Pangalan na ‘yan matatagpuan? Dito, hindi kayo makapagsasabi na si Jesus Christ ay Panginoon kung hindi kayo nagsisisi, kung hindi kayo susunod sa Kanyang Kalooban, kung hindi kayo dadaan sa inyong Kitbog, kung hindi kayo dadaan sa inyong Tamayong upang ang inyong patotoo ay tunay, maging ginto, tatanggapin sa langit. Kailangan ninyong maging kagaya ng Hinirang na Anak sa paninindigan at dedikasyon sa pamamagitan ng apoy ng kapagsubukan.
Kapag kayo ay magpatotoo na si Jesus Christ ang Panginoon, dinakila ninyo ang Pangalan ng Ama na nasa Anak. At huwag kalimutan, ang Anak at ang Ama ay iisa. Kapag siniraan ninyo ang aking pangalan, siniraan niyo ang Kanyang Pangalan. Kaya siniraan nila ako, hindi dahil sa pangalan ko bilang Quiboloy, ngunit sa aking pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Kanila akong siniraan dahil sinabi ko, “Mahalin ang inyong kapwa.” Siniraan nila ako dahil sinabi ko, “Mahalin ang inyong kaaway.” Siniraan nila ako dahil sinabi ko, “Magsisi! Itakwil ang binhi ng serpente ng kalooban ng tao. At tanggapin ang binhi ng katuwiran ng Kalooban ng Ama.” Inabuso nila ako dahil diyan. At hindi na ako miyembro ng anumang relihiyon o denominasyon, dahil ang mga iyan ay gawa ng tao.
(ITUTULOY)