CHAM LOPEZ
“BUHOK na pasaway, parebond na!” Hindi maiwasang pagkantiyaw sa mga kababaihan na lagi bang parang “mahangin ba sa labas?”
At dahil mahal magparebond ay halika ka na at mag conditioner at suka na lamang tayo. Pinatunayan ng mga kilalang vbloggers na mabisa raw na pampaganda ng buhok na parang rebonded ang resulta. Madali lang dahil paghaluin lamang ang kahit na anong klaseng conditioner at suka na Apple cider vinegar — para ka na ring galing sa parlor.
Napakaraming benipisyo ng Apple cider vinegar (ACV) gaya ng pampapayat, pampakinis ng balat at ngayon pampaganda ng buhok.
Nakakatulong din ang ACV sa iba’t-ibang klase ng sakit, katulad ng pagkontrol nito sa blood sugar sa mga may diabetes, mabisang pampalakas, gamot sa sipon, pampabango ng paa, pampalakas ng immune system, pampabawas ng cholesterol at nakakatulong din para sa maayos na digestion. Sa dami ng benepisyo ng ACV hindi na nakakapagtaka na pati buhok ay kaya nitong pagandahin.
Maraming netizens ang sumubok din nito at lahat sila ay hindi nabigo at hanggang ngayon ay may mga gumagawa pa rin ng videos tungkol dito.
Bukod sa madali lang gawin ito ay hindi problema sa bulsa.
Mabisa rin ito lalo na sa mga dry ang buhok dulot ng palagiang pagkulay at paggamit ng bleach. Ngunit may ilan paring netizens ang nagsasabi na mabaho ito at hindi effective pero sabi ng mga vbloggers na gumawa nito ay hindi naman sila gumawa ng video para pilitin ang mga manunuod na gawin ang consuka trend. Sinabi nila na suggestion lamang ito para sa mga babaeng viewers na gustong maayos ang kanilang buhok sa tipid at madaling paraan.