BALIK sa aksiyon ang OMNI Football Cup sa 2nd edition ng OMNI Cup: Fight to the Finish sa Hulyo 13, McKinley Hill Stadium.
May 24 koponan na hinati sa dalawang division ang maglalaban ng husay at galing sa isang araw na seven-a-side football tournament na naglalayong palakasin ang programa sa sports at kalusugan sa pamamahala ng OMNI Electrical and Lighting.
Bukas sa lahat ng sports aficionado ang Division 1, habang ang Division 2 ay para sa beginner-intermediate.