TERRIJANE BUMANLAG
MAHIGIT 60 na tauhan at opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang nakatakdang sibakin. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati kamakailan sa Candon, Ilocos Sur.
Ani pangulo, sisibakin niya sa pwesto sa susunod na linggo ang nasa 64 na empleyado at opisyal ng BOC bunsod ng alegasyon ng kurapsyon sa ahensya.
Kasunod nito ay nagbanta ang punong ehekutibo na mayroong 100 iba pa na tauhan ng ahensya ang nakatakdang tanggalin sa serbisyo dahil pa rin sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires ang imbestigasyon sa umano malawakang korupsyon sa BOC.