NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANO ang lengguwahe at bokabularyo ng Kaharian? “Kung mamatay man ako dito, mamatay na ako. Ang aking puso ay buo na, ang aking isipan ay nakapagpasya na, susunod ako sa Kalooban ng Ama kahit anupaman.”
Iyan ang cliché ngayon. Dapat lalabas ito palagi bilang pangungumpisal mula sa ating puso kapag tayo ay natukso at sinubukan sa anumang mga sirkumstansya. Kagaya ni Job, kagaya ng tatlong kabataang Hebreo, na walang kondisyong sumuko sa pagsunod sa Kalooban ng Ama. Ang huling magagawa ng demonyo ay pasukin ang isang tao at sisihin ang kaniyang katapatan sa Ama sa pagsunod sa Kanya upang kayo ay tumalikod mula sa Panginoon at itakwil Siya at mamatay. Tingnan ninyo si Satanas, kapag lumapit siya sa iyo, ganyan ang sasabihin niya sa iyo.
Tunay na humanga ako kay Job. Humanga ako sa tatlong kabataang Hebreo. Humanga ako kay Daniel. Nasa tiyak na sila ng kamatayan, ngunit hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan, dahil sa kanilang katapatan, pagkamasunurin, panindigan at dedikasyon sa pagsunod sa Kalooban ng Ama.
ANG PANGALAN KO AT PANGALAN NG AMA AY IISA
June 17, prangkahang sinabi ng Ama sa atin sa pamamagitan ng rebelasyon ng gabing iyon ng Hinirang na Anak, isang anghel ang bumisita sa akin. Sa mahabang panahon ay hindi ako binisita ng mga anghel. Sa gabing ito, ako ay binisita sa pamamagitan ng mga panaginip at mga bisyon. Sinabi Niya, “Ang iyong pangalan ngayon ay Akin nang ganap na pangalan.” ‘Yan ang bagong pangalan na Kanyang inihayag sa mundo. At sinabi Niya, “Anak, pinagkukumbaba mo ang iyong sarili sa 33 taon. Kaya bibigyan kita ng isang pangalan na nasa ibabaw ng bawat pangalan.” Binigay Niya sa akin ang Kanyang pangalan at Kanyang kinuha ang aking pangalan bilang Bago Niyang Pangalan. Kaya ang aking pangalan naging Kanyang Pangalan at ang Kanyang Pangalan ay naging aking pangalan. Ang pangalan ko at ng aking Ama ay iisa.
Sa mundong ito, bawat pangalan ng tao ay ikinararangal. Bawat pangalan ng tao ay kadakilaan. Huwag pakialaman ang kanyang pangalan, papatayin kayo niya o siya ay papatayin dahil diyan. Kanyang inilatag ang aking pangalan sa 33 taon upang maging apakan ng paa ng tao dahil sinunod ko ang Kanyang Kalooban, dahil itinuro ko ang Kanyang Kalooban, dahil namuhay ako sa Kanyang Kalooban. Dahil sa Kanya, ginawa nila akong apakan ng paa, kanilang inusig at siniraang puri.
BABALA LABAN SA PAGGAMIT NG PANGALAN NG AMA NG WALANG KABULUHAN
Sa maraming mga taon, inabuso ng mga tao ang pangalan ng Dakilang Ama, ang ating Panginoong Hesu Kristo, ang Tagapaglikha ng lahat. Ang paggamit ng Salita ng Panginoon ngunit walang pagsunod sa Kanyang Kalooban ay paggamit sa Kanyang pangalan na walang kabuluhan. Ito ay tuwirang pag-atake laban sa Kanyang karangalan at kaluwalhatin at ang kahinatnan ng mga taong hindi gumalang sa Kanyang pangalan ay mahahatulan.
At sa loob ng 33 taon, ang pang-aabuso na pinatamaan nila sa akin ay nagpapatuloy. Hanggang isang araw, Hunyo 17, ang anghel ay nagsabi sa akin, “Wala nang taong makaaabuso sa iyong pangalan, dahil Kanyang bibigyan ka ng isang pangalan na siyang ibabaw ng bawat Pangalan.” Kaya ang aking pangalan ay naging Kanyang Bagong Pangalan at ang Kanyang Pangalan ay naging aking Pangalan. At aking ipagtatanggol ang pangalang iyan anuman ang mangyari, dahil aking ipinagtanggol ang Kanyang Pangalan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang Kalooban. Kanya ring ipinagtanggol ang aking pangalan at sinabi Niya, “Ang iyong pangalan ang naging aking Bagong Pangalan.”
Kagaya ng Exodus 20:7 ay nagsasabi, “Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.”
Paano ninyo ginamit ang Kanyang pangalan sa walang kabuluhan? Gamitin ito na walang pagsusunod sa Kanyang Kalooban. Gamitin ang Kaniyang mga Salita at baluktutin ang mga ito na walang pagsusunod sa mga ito. Ipagdebate ang mga ito nang walang pagsusunod. Hindi Niya sinabi na debatehan ang mga ito, Kanyang sinabi sundin ang mga ito. Ako lamang ang nag-iisang gumawa niyan. Hindi ko ‘yan magagawa maliban na lamang kung gawin Niya akong Kanyang Anak. Dahil kung ako ay isang utusan at susubukan kong gawin ang Kanyang Kalooban, ang demonyo ay lalapit at magsabi, “Sino ka? Ikaw ay akin pang anak. Bakit nagrerebelde ka laban sa akin?” At papatayin kayo niya; papangalanan kayo niya, o gagawa siya ng isang bagay upang pigilan kayo. Ngunit hindi niya ako mapipigilan nang ako ay nilikha bilang Anak. Bilang isang Anak, ako ay nabalutan ng kapangyarihan ng Ama. Sinusubukan niya akong sirain ngunit hindi niya ako masisira. Sinusubukan niya akong pigilan ngunit hindi niya ako mapipigilan, dahil nababalutan ako ng proteksyon ng Dakilang Ama. Natural na ang Ama ay proteksyunan ang Kanyang Anak, Kanyang proteksyunan ang Kanyang Anak na gumagawa ng Kanyang Kalooban at gumagawa sa Kanyang espirituwal na gawain sa mundong ito ngayon.
TANGING ANG SALITA NG PANGINOON ANG MAKATATAYO
Kaya ang Mateo 7:21-23 ay ang paborito kung mga salita ni Jesus Christ.
b-21 Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
b-22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
b-23 At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.
Hindi nila ginawa ang mga bagay na Kanyang sinasabi. Sinabi Niyang sumunod sa Kanyang mga Salita. Ano ang kanilang ginawa? Kanilang kinahulugan ang sarili nilang mga katuwiran sa pamamagitan ng kanilang sariling mga tradisyon. Kanilang binago ng ganap ang Salita ng Panginoon at gumawa sila ng sarili nilang katuwiran upang magtatatak sa mga isipan ng tao ng paulit-ulit.
Sinabi ko sa inyo na ang Holy Three ay hindi doktrinang nanggaling sa Panginoon. Ito ay doktrinang galing kay Athanasius at ang motibo ay dahil kay Constantine the Great na nais na pag-isahin ang Roman Empire para sa kanyang kaluwalhatian, hindi para sa kaluwalhatian ng Panginoon. Kaya pinaghalo niya at kinumpromiso niya ang doktrina na tinanggap ng marami, na hanggang ngayon ay ginamit ang pangalan ng Panginoon at nais nila Siyang maging may-ari ng doktrina hindi naman nagmumula sa Kanya. Hindi niya iyan inangking pagmamay-ari, dahil hindi ‘yan nanggaling sa Kanya. Tanging ang kanyang mga sinabi sa Kanyang mga Salita ang makatatayo. At ako bilang Hinirang na Anak ay tatayo sa aking karangalan ng aking buhay. Ikamamatay ko ‘yan.
(ITUTULOY)