NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
BAWAT pagmamay-ari ni Job ay kinuha. Sinubukan si Job. Anong nangyari? Nawala sa kanya ang lahat kagaya ng propeyidad. Ngunit mayroon pa siyang pamilya. “Nagsisilbi lamang siya dahil mayroon siyang magandang pamilya.” Biruin ninyo, pinayagan si Satanas, pumunta, bumulusok at gumawa ng senaryo.
Ang bahay kung saan nagpa-party ang mga anak ni Job sa gabing iyon ay gumuho na ikinamatay ng lahat ng kanyang mga anak. Dumating ang utusan at nagsabi, “Job, ito na yata ang pinakamalaking malas sa buhay mo. Lahat ng iyong mga anak ay namatay sa aksidente. Ang bahay ay gumuho sa kanila.
ANG INTEGRIDAD NI JOB SA PANGINOON
Kung kayo ay si Job sa panahong iyon, siguro ay nagdadalawang-isip na kayo. Pero hindi si Job. Napananatili niya na itaas ang kanyang integridad sa Panginoon. Hindi niya sinisi ang Panginoon. “Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon!”
Dahil dito, si Satanas na si Lucifer ay natalo sa lahat ng lawak ng digmaan kungsaan niya nakita ang kahinaan ni Job. Siya ay natatalo sa bawat pag-ikot. Ngunit hindi siya sumuko. “Mayroon pa siyang asawa, puwede kong gamitin.” Ang asawa ni Job ay may maruming pag-iisip. Materyalista na kagaya ni Satanas sa puso. “Ah ito, naglilingkod lang ito dahil sa mga propeyidad na mga pagpapala kasama ni Job. “Pupuntahan ko ang kanyang asawang babae.” Pumunta ang satanas sa asawa ni Job dahil mayroon pa itong tinatagong masama sa pagiging babaeng materyalista.
ANG AGAM-AGAM NG ASAWA NI JOB
Pumasok ang demonyo sa kanya at naging hayag na si Satanas si Lucifer ang demonyo. Kaniyang kinausap si Job ngunit hindi siya ang nagsasalita. Isa itong tao na nasa kanyang loob ang nagsasalita. Ang demonyo ay nakapasasalita sa pamamagitan ng tao. Kaya huwag hayaang makapasok sa inyo si Satanas. Panatilihing malinis ang inyong mithiin. Panatilihing malinis ang inyong dedikasyon. Isara ang likurang pintuan ng bahay. Ang likurang pintuan ng bahay ng asawa ni Job ay bukas na bukas. Siya ay napakamateryalista. Nawala ang lahat ng bagay sa kanya kasama si Job. At kanya itong nakita at nagsimulang mag-agam-agam sa Panginoon at nagsimula na nga siyang sisihin ang Panginoon nang palihim dahil sa kamalasan na nangyari sa kanyang pamilya.
Pumasok ang Satanas sa asawa ni Job at tumungo siya kay Job. Ito na ‘yong si Satanas na si Lucifer ang demonyo na nasa babae at ang babae ang naririnig na boses. Si Lucifer ay makapapasok sa babae o sa lalaki. Dumating ang babae kay Job. Sa palagay niyo ba siya pa rin ang asawa ni Job? Hindi siya ang asawa ni Job. Siya ay si Satanas na si Lucifer ang demonyo sa laman. Nagtungo siya kay Job bilang isang lobo na nakasuot ng damit ng tupa gamit ang mukha ng asawa ni Job. “Job, nanatili ka pang naglilingkod sa Panginoon?” Kapag may lumapit sa inyo at sinisisi ‘yong paglilingkod, alam niyo kung sino iyon. Kapag may lumapit sa inyo at sinisiraan ang Anak, alam na ninyo kung sino iyon. Kapag may lumapit sa inyo at sinisiraan ang inyong paglilingkod sa Dios, alam niyo na kung sino iyon. Labas na ito sa relihiyon at denominasyon. Hindi masasabi ng relihiyon at denominasyon ang anumang aking sinasabi dahil ito ay para lamang sa Hinirang na Anak. Wala kayong pakialam dito, relihiyon at denominasyon, tapos na kayo. Ang Anak itong nagsasalita.
ANG SAKRIPISYO SA PAGSUNOD SA KALOOBAN NG AMA
Kaya dumating siya at siniraan ang paglilingkod ni Job, “Nanatili ka pang naglilingkod sa Panginoon? Tingnan mo ang sarili mo.” Bago pa ginamit ng satanas ang asawa ni Job, ang katawan ni Job ang nakita. Nakita ng demonyo ang malusog na katawan ni Job. “Malusog pa rin siya.” Bigla-bigla ay nagkasakit si Job, puro kaliskis na ang katawan. Isipin na lamang na napuno siya ng pigsa mula sa tuktok ng kanyang ulo hanggang sa kaniyang talampakan. Hindi siya makatatayo, hindi siya makakaupo, hindi siya makakahiga. Hindi makaligo kaya mabaho. Minsan ay kailangan nating tanggapin ang sakripisyo na hindi matarok ng ating isipan kapag kayo ay masunurin sa pagsunod sa Kalooban ng Ama, dahil susubukan kayo sa bawat bagay ni Satanas na si Lucifer ang demonyo upang makahanap ng bukas na pintuan sa inyo.
Sa sandaling iyon ay nagtungo ang babae kay Job at nagbigay ng penultimong salot sa kanyang buhay. Isipin na lamang, ganyan na ‘yong sitwasyon mo, tapos pupuntahan ka, tutuyain ka pa. At siya ay nagsasalita bilang kumakatawan ni Satanas na si Lucifer ang demonyo at nagsabi, “Nanatili ka pang naglilingkod sa Panginoon? Tingnan mo ang iyong sarili. Nawala na ang lahat sa ‘yo. Nawala na ang iyong kalusugan, ngayon, mawawala na ako sa iyo. Kung ako sa iyo Job, itatakwil ko ang Panginoon at mamatay.”
ANG PAGSUNOD SA AMA ANUMAN ANG MANGYARI
Iyan ang nais ng demonyo na gawin ninyo sa inyong hindi kanais-nais na pangyayari kapag kayo ay matapat na naglilingkod sa Kanya. At sa lahat ng mga kamalasan na nangyari sa inyo, lalapitan kayo ng demonyo dahil nais niyang tumalikod tayo mula sa Panginoon, itakwil siya, at mamatay. Tiningnan ni Job ang kanyang asawa na si Satanas ang nagsasalita sa bunganga, “Job kung ako sa iyo, itakwil ko ang Panginoon at mamatay.” Tiningnan siya ni Job, pinili ng babaeng ‘yon na magpagamit kay Satanas.
Kaya, anuman ang mangyari, mga mamamayan ng Kaharian, ang pagpili natin, ang sabihin ninyo tulad ko. Kumain man ako ng damo, mamatay man ako dito. Mamatay man ako dito, mamatay ako. Kung damo na lamang ang kakainin ko, oh sige. Ngunit susundin ko ang Kalooban ng Ama anuman ang mangyari.
‘Yan ang ating panindigan sa pagsunod sa Kalooban ng Ama anuman ang mangyari. Ganyan ang ginawa ni Job sa kanyang malayang pagpili. Kaniyang sinabi kay Satanas na si Lucifer ang demonyo na siyang kanyang asawa at sinabi niya sa kanya, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? Para sa akin, mananatili akong maglingkod sa Kalooban ng Ama. Mananatili ko Siyang paglilingkuran. Siya ang nagbigay ng lahat ng ito sa akin at siya ang maaaring mag-alis sa mga ito sa akin. Purihin ang pangalan ng Dakilang Ama!” Iyan ang aking pagpili!
(ITUTULOY)