Binati ng magaling na aktres at dating Darna na si Angel Locsin ang aktres na si Jane De Leon sa pagkakakuha dito para gumanap sa kilalang Super Hero na si Darna.
Sa 300 na nag audition para gumanap bilang Darna si Jane De Leon ang napili para dito na hanggang ngayon ay hindi mapaniwalaan ng dalaga.
Si Jane De Leon o Jane Florence Benitez De Leon, 20 taong gulang at lumabas sa “La Luna Sangre,” “Maalaala mo Kaya,” “Ipaglaban Mo,” “Wansapanataym,” at teleseryeng Halik kung saan nakababatang kapatid siya dito ni Jericho Rosales.
Bukod sa pagiging magaling na aktres ay isa rin total performer ang bagong Darna.