WEDDING planning at ring insurance hunting ang pinagkakaabalahan ngayon ng aktres na si Angel Locsin.
Ito ay matapos na i-anunsyo ng pinay superstar ang pagpropose ng kaniyang boyfriend na si Neil Arce kamakailan.
Say ni Angel, wala pa silang detalye na mabibigay patungkol sa inaabangang wedding at paghahanap ng insurance para sa kaniyang diamond engagement ring ang kaniya munang pagkaka-abalahan.
Matapos nito ay venue at wedding planner naman ang sunod niyang hahantingin.
Hindi naman maitago ng aktres ang kaniyang excitement sa pagpapakasal.
Pebrero taong 2018 nang isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.