ILANG buwan bago ang pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa bansa, muling ipinasilip ng pamahalaan ang natatangi at world class sports facility, ang New Clark City.
Sa nalalabing araw bago ang simula ng palaro, tiniyak ng pamunuan ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA at iba pang kaakibat na project partners na matatapos ang New Clark City Phase 1A kung saan kasama na ang Aquatic Center sa katapusan ng Agosto, habang ang nalalabing bahagi ng kabuuang sports facility ay magtatapos sa buwan ng Oktubre.
Ang counter piece project na ito ay nagkakahalaga ng P13B sa ilalim pa rin ng Build Build Build Program ng Duterte Administration.
Kung sa kalidad naman ang pag-uusapan, maihahalintulad ang buong pasilidad gaya ng sa London Olympic size swimming pool na may international o Olympic standards.
Ang Aquatic Center 2,000 seater, 10 lane competition pool, 8 lane training pool at diving pool.
Maliban sa aquatic sports, ang New Clark City Sports Complex ay mayroon ding Athletic stadium na may 20,000 seating capacity at may athletes villages at condo-type housing para sa mga goverment employees.
Tinatayang nasa 8, 500 workers ang nagsasagawa ng konstruksiyon na sinimulan pa noong buwan ng Marso 2018.