NAGHAIN na ng not guilty plea sa New York Court ang rap superstar na si Cardi B sa kinahaharap ng mga kaso dahil sa insidente ng pananakit.
Agad na naghain ng not guilty ang kampo ng hiphop superstar sa kabuuang 14 counts case kabilang na ang 2 felony attempted assault at serious physical injury.
Kaugnay ito ng akusang pananakit ng rapper sa dalawang babae sa Angels Strip Club sa Queens dahil sa umano’y paghihinalang may relasyon ang isa rito sa kaniyang kasintahang si Offset.