INAASAHANG maaabot ng paliparan ang apat na milyong pasahero bago magtapos ang kasalukuyang taon.
UMABOT sa dalawang milyong pasahero ang naitala ngayon ng Clark International Airport mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng Passenger Traffic System ng paliparan, nakapagtala ito ng kabuuang 2,104,226 sa unang anim na buwan ng 2019 sa pinagsamang 913,724 international at 1,190,502 domestic flights.
Ang nasabing datos ay katumbas ng 63% na mas mataas sa bilang ng mga pasahero noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Makasaysayan din ang pigurang ito ayon sa pamunuan ng CIAC 24 na taon na ang nakakaraan.
Matatandaang mula nang mag operate ang CIAC, nakakuha na ito ng mga pagkilala mula sa mga air travel Intelligence Company.