SMNI NEWS
NADAGDAGAN pa ng mga beterano ang manlalaro ng Los Angeles Lakers ngayong 2019-2020 NBA Seasons.
Ito ay makaraang bigong makuha ng Lakers ang 2018-2019 NBA Finals MVP na si Kawhi Leonard na piniling lumagda ng kontrata sa Los Angeles Clippers.
Kabilang sa mga bagong manlalaro ng Lakers si Danny Green at Demarcus Cousins na kapwa-lumagda ng kontrata sa koponan.
Mapapabilang din sa L.A ang warriors guard na si Quinn Cook na may two-year contract deal.
Muli namang lumagda ng kontrata sa lakers si Alex Caruso na may average na 9.2 points, 3.1 assists, 2.7 rebounds at 1.0 steal nitong huling seasons.
Kabilang sa magiging starting lineup ng Lakers sina Rajon Rondo, Danny Green, Lebron James, Anthony Davis, at Demarcus Cousins.