Nakatakdang bumisita sa bansa ang Dao Ming Si star ng chinese adaptation ng sikat na asian TV series na “Meteor Garden”.
Pinagkaguluhan ng pinoy F4 fans ang anunsyo ng Bench Philippines na nakatakdang bumisita sa Pilipinas ang Chinese actor na si Dylan Wang.
Bagaman wala pang inilalabas na ibang detalye, kinumpirma ng naturang clothing brand na magsasagawa ng meet and greet ang aktor para sa kaniyang Filipino fans.
Taong 2018 nang ipalabas sa Pilipinas ang chinese adaptation ng “Meteor Garden”.