KINUWESTYON ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang presensiya ng barko ng China sa Reed Bank.
Kasunod ito ng naganap pagbangga ‘di umano ng Chinese vessel sa fishing boat ng 22 mangingisdang Pinoy sa lugar sa dis-oras ng gabi.
Ayon kay Enrile, sakop ng 200 nautical miles exclusive economic zone ng bansa ang Reed Bank at hindi dapat naroroon ang barko ng China.
Naniniwala naman si Enrile na posibleng may ibang layon ang Chinese vessel sa lugar maliban sa pangingisda.
Kaugnay nito, kumbinsido naman si Enrile na hindi fishing vessel ang nakabangga sa mga pinoy kundi Chinese militia boat.
Sa huli, naniniwala si Enrile na pahayag ng mga mangingisdang Pinoy na sila ay binangga ng Chinese vessel.