KINANSELA na ng 90’s American metal band na Megadeth ang kanilang nalalabi pang concerts ngayong 2019.
Ito ay matapos ma-diagnose ang kanilang lead singer na si Dave Mustaine ng throat cancer.
Hindi na matutuloy ang inaasahan at inaabangang pagtatanghal ng banda ngayong taon sa Milwaukee, Las Vegas, Buenos Aires at iba pang siyudad sa North at South America.
Labis na ikinalungkot ng mga fans ang di inaasahang kanselasyon gayunman nagpaabot ang mga ito ng pag-aalala at dasal sa bokalista.
Hindi naman kinumpirma ng “Tornado Souls” hit makers kung ire-reschedule pa ang mga cancelled tour kapag natapos ang treatment ni David.