FILM at TV director binibining Joyce Bernal
NAGSAGAWA ng ocular inspection ang film at TV director na si binibining Joyce Bernal sa Kamara bilang paghahanda sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Ito na ang ikalawang beses na pag-direk ni Bernal sa SONA ng pangulo.
Kasama ni Bernal sa pag-iikot sa Plenary Hall si House of Representative Secretary General Dante Roberto Maling.
Kabilang sa inalam ng direktor ang mga ilaw at kung anong gagamiting dekorasyon sa Session Hall para sa SONA.
Nais naman ni Bernal na maglagay ng weave o habi mula sa Mindanao sa podium kung saan tatayo ang Pangulo Duterte.
Sinabi ni Bernal na layon niyang gawing ‘hopeful, good, and grand’ ang tema at ang magiging dating sa telebisyon ng SONA 2019.
Katulad noong nakaraang taon, pro bono o hindi ulit magpapabayad si Bernal ng kanyang serbisyo dahil ito ay para aniya sa Pilipinas.