PATULOY na lumalaki ang ONE Championship, ang nangungunang mixed martial arts promotion sa Asya.
Pumirma na ng kontrata si Dutch female kickboxing, K1 Muay Thai fighter Jorina Baars.
Si Baars ang 30 anyos na pambato ng Den Helder, Netherlands, ay isa sa pinakasikat na fighters sa Europe. Hawak niya ang korona sa ISKA Welterweight World Championship, tinalo ni Jorina ang multiple-time mixed martial arts World Champion Cristiane “Cyborg” Justino para sa Lion Fight Muay Thai Women’s Welterweight World Championship.
Ang Muay Thai superstar ng bansang tinaguriang The Land of Tulips and Windmills (Het Land Van Tulpen en Windmolens), ay sasabak sa ONE Super Series na mayroong record na 46-0-3.