ANG hakbang ng BIR ay bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga illegal foreign workers sa bansa na naaaresto.
SMNI NEWS
KOKOLEKTAHAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng buwis ang mga foreign workers na nasa bansa.
Ito ay dahil sa paglobo ng mga iligal na dayuhang manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaki ang kinikita ng mga dayuhan sa bansa kaya kailangan ng mga itong magbayad ng buwis.
Nakasaad sa ginawang joint memorandum circular ng BIR, DOF, DOJ at DTI na hindi sila magbibigay ng employment services kung walang maipapakitang tax identification number na nagpapatunay na nagbabayad sila ng buwis.
Dahil dito, dinagdagan ang bilang ng DOLE labor law compliance officer upang bantayan ang operation ng mga dayuhan at matiyak na nagbabayad sila ng tax.